Saturday, 10 October 2015

FILIPIKNOW ~West Philippine Sea: Sa Kanila o Sa Atin?

“Amin ang West Philippine Sea!” –Pilipino

“No, amin West Philippine Sea!” – Tsino

Sino ba talaga ang totoong nagmay-ari sa puso ng West Philippine Sea? Ang gulo!

Alam na alam naman natin na pinag-agawan ng Pilipinas at ng Tsina ang West Philippine Sea. Pero ang hindi natin alam ng halos lahat ay ang mga dahilan kung ano ang mga panig ng dalawang bansa.

Pero bago tayo dadako sa issue…


Alam Nyo Ba?

Ang kultura nating mga Pilipinong ay may halong Malayo-Polynesian, Spanish, at Chinese. Makikita natin ang impluwensya nila sa ating sining, musika, arkitektura ng mga gusali, sayaw, pagkain, linggwahe, edukasyon, sa ating rehiyon at pati na rin sa ating pagdiriwang na pang salo-salo sa lahat tulad ng pista, sinulog, at marami pang iba.

Siguro alam naman natin na halo-halo ang kultura natin, bakit ba ako nag tanong -.-

Gusto ko lang talaga mag share sa aking kaalaman. :)

Ngayon, dadako na tayo sa isyung West Philippine Sea.

Watch this:


Alam Nyo Ba?

Ang mga ninuno nating Pilipino at mga Tsino ay matalik na kaibigan noon, dahil ang mga Pilipino noon ay nakapunta sa China upang magbenta ng kung ano-ano na nakapag pa-BOOM ng Tsina kaya pumunta ang China at nangangalakal sa mga Pilipino.

May ibang mga Tsino din na nanatili sa Pilipinas at nagpakasal sa ating mga  magagandang Pilipina at ayun, nagkaroon na ng mga Chinese-Filipino na mga tao. Tinuturuan din tayo makipag "business" sa kanila, pati na rin sa kanilang lingwahe. 

Ang ganda pakinggan na okay na okay lang ang lahat noon pa no? Pero ngayon, Anyare?

Parang Torn Between Two Lovers lang ang peg? Ang Pilipinas at Tsino ang matalik
babae na naguguluhan kung sino ang kanyang pipiliin.

O sige, kantahin mo na lang ang kanta ni KZ Tandingan na "Mahal ko o mahal ako" pero sino naman ang mahal ng West Philippine Sea?


Haayyyy, Ang gulo no?


Pero seryoso, may pag-asa pa ba na magkabalikan ang pagkakaibigan ng Pilipinas at Tsina? Sana nga.... 


Paano Binabase ng Tsina ang Pag-aari ng West Philippine Sea?

Ayon sa kanila, binabase nila ang kanilang pag-aari sa  9-dash line, ang 9 dash line ay isang U-shaped form na ginuhit ng mga Tsina kung saan ang lahat nakapaloob sa South China Sea ay sa kanila kabilang na ang tubig, isla at sa himpapawid.  Binabase nila ang 9-Dash Line sa pangkasaysayan ng Tsina.


Paano Binabase ng Pilipinas ang Pag-aari ng West Philippine Sea?

Sinunod lamang ng Pilipino ang Exclusive Economic Zone (EEZ) na binigay ng UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea). Sinasabi nito na simula sa baseline hanggang sa 200 nmi (Nautical miles) ay pwede tayong makapangingisda at makakuha din tayo ng mga resources dito tulad ng natural gas.


Dapat ba tayong Lalaban?

Syempre oo, dapat ipaglaban natin ang ating territoryo sapagkat ito’y nakapaloob sa ating hangganan (EEZ). Nakapaloob sa mga isla na ito ang napakalaking reserba ng natural gas na mas malaki pa sa malampaya na makakatulong sa ating ekonomiya. Meron naman tayo kaya’t dapat nating ipaglaban kung ano ang nararapat sa atin.


Ang Masasabi ko

Bilang isang mag-aaral sa Pilipinas, ay naguguluhan ako sa kanila at sa issue. Iniisip ko kung sino ang tama, sino ang mali, sino ang may-ari at marami pa akong mga tanong na hindi pa nasasagutan.

Pero kung isipin nga natin mga Pilipino, ano ang gagawin mo kapag ang taong mahal mo ay inagaw sa iba? Diba lalaban tayo? Pero paano mo ipaglaban kung wala ka namang kapangyarihan? Hindi naman sa sinasabi ko na tayo ay mahina. Pero sa totoo lang, kawawa tayong mga Pilipino dahil halos inaapi tayo ngunit lumalaban parin tayo. Yan tayo mga Pilipino! Kahit anumang mangyari, huwag tayong tumigil sa pagkuha hanggang sa makuha na ang ninanais natin.

Pero sa pag-uulit ko, naguguluhan pa rin ako. Pero sa ganitong paraan na sa pag-gawa ng blog na tungkol sa issue ay mapapalawak ko ang kaalaman ko, pati na rin sa kabataan at sa kapwa Pilipino.

Ang tanging masasabi ko lamang sa atin, mga Pilipino ay huwag nating kalimutan ang magdasal para sa ating bansa at pati na rin ang Tsina. Huwag naman magdasal ng hindi mabuti sa Tsina pero magdasal tayo na sana, matatapos ang isyung ito na walang gulo at maging mapayapa ang lahat.

Pero tatanungin ko kayo, paano natin maipapakita ang aktibong partisipasyon sa isyu tungkol sa West Philippine Sea?

Sana may natutunan kayo. Salamat sa oras at sa pagbabasa at PAGPALAIN KAYO NG DIYOS.

Don't forget to comment and share! :)

References:
https://en.wikipedia.org/wiki/Culture_of_the_Philippines



10 comments:

  1. Sumasang-ayon ako sa iyong mga sinabi. May karapatan talaga tayo sa ating teritoryo dahil sumusunod tayo sa batas. Oo nga na makapangyarihan ang Tsina pero hindi mabuti and kanilang ginawa. Hindi ito patas para sa ating mga Pilipino

    ReplyDelete
  2. Dapat nating ipaglaban ang ating mga isla dahil meron tayong sapat at matibay na ebidensya at nandyan ang UNCLOS. Pero daanin natin ito sa mapayang paraan :)

    ReplyDelete
  3. Tama ang inyong sinabi bilang mag-aaral. Oo, ipaglaban natin kung ano ang tama at atin iyan pero hindi pa tayo handa kung mag giyera tayo laban sa kanila. Alam ko na kaya natin to basta dapat magtulong-tulong tayo bilang isang Pilipino, "Kapit-Bisig".

    ReplyDelete
  4. maraming pilipino na hindi nila alam kung ano ang nangyayari sa pagitan nag pilipinas at tsina. kadalasan ngang mga pilipino ay walang pakialam kung ano ang nag yayari. at hindi yan tama. sumasang ayon ako sa sinabi mo. dapat natin panindigan kung ano ang sa atin at sumusunod naman tayo kung ano ang nasa batas. dapat tayong mag dasal na sana maayos na itong pag aagayan. :)

    ReplyDelete
  5. Mabuti na ang may alam lalo na patungkol sa isyung ito. Napaka ganda ng iyong blog at dahil dito talagang naintindihan ko ang isyu na ito.Talagang dapat ipaglaban natin ang ating karapatan sa West Philippine Sea.

    ReplyDelete
  6. Mabuti na ang may alam lalo na patungkol sa isyung ito. Napaka ganda ng iyong blog at dahil dito talagang naintindihan ko ang isyu na ito.Talagang dapat ipaglaban natin ang ating karapatan sa West Philippine Sea.

    ReplyDelete
  7. Para sa akin, sumang-ayon ako sa inyong sinabi sa blog mo. Kahit mahina tayo, meron pa tayong magagawa upang makuha ang ano dapat talaga sa atin. #LabanPilipinas

    ReplyDelete
  8. For me,

    Dapat hindi tayo susuko dahil tayo mga Filipino ay merong karapatan lumaban at makuha kung ano talaga sa Philippinas.

    #LabanPilipinas
    #HuwagSusuko

    ReplyDelete
  9. Ang tanging masasabi ko lamang sa atin, mga Pilipino ay huwag nating kalimutan ang magdasal para sa ating bansa at pati na rin ang Tsina. Huwag naman magdasal ng hindi mabuti sa Tsina pero magdasal tayo na sana, matatapos ang isyung ito na walang gulo at maging mapayapa ang lahat.

    Sangayon ako. sana nga na masosolusyonan natin to na mapayapa. <3

    ReplyDelete
  10. I strongly agree. I hope this problem will be solved as soon as possible.

    ReplyDelete